Kaibigan Ako

Ang tagal na naming magkaibigan
Halos lahat ng bagay ay amin ng napagdaanan
Laging magkasama sa lungkot at saya
Magkasangga sa anumang trip ng barkada

Sobrang bait nya
Lagi nya kong pinapangiti at pinapasaya
Ginagawa pa nga niya lahat ng utos ko
Aakalain mo tuloy na siya’y dakilang alalay ko

Bawat miyembro ng barkada ay nagtataka
Bakit daw kami masiyadong bukas sa isa’t isa
Pati nga nanay niya kinukuwento sa’kin ang bawat galaw niya
Madalas din akong tratuhin na para bang mamanugangin niya

Asar dito, asar doon
Tulak dito, tulak doon
Halos lahat na ata ng tao sa paligid namin tingin kami na
Pero ang totoo, kaibigan lang talaga

Pero alam mo, gusto ko siya
Matagal na akong naghihintay na makita niya
Ang sabi ng barkada gusto niya ako
Paano naman ako maniniwala kung ang lahat ay dinadaan niya sa biro?

Mahirap namang umasa na lang ako
Maghintay sa bagay na alam ko namang malabo pa sa malabo
Kawawa naman ‘tong napaka martir kong puso
Kailangan ko nang tanggapin na kaibigan lang talaga ko

-katkat

        Minsan talaga ang hirap magkaroon ng bestfriend na opposite sex. Kalimitan kasi, mahuhulog ang isa sa inyo. At ang masakit pa niyan, kung ikaw lang talaga ang nahulog, ‘yung tipong para kang nag dive sa lupa. Idagdag mo pa ‘yung mga kaibigan mong inaagaw ang trabaho ni kupido at pinipilit kayong gawing love team. Ang hirap magtago ng feelings, minsan nga naiisip mo sana pwedeng babae na lang ang manligaw. Noong nagsabog kasi ng ka-torpehan, sinalo niya ata lahat. Lagi ka niyang binibiro, pinaparamdam na may posibilidad na maging kayo nga. Maniniwala ka ba kung lahat ng sabihin niya ay dinadaan niya sa biro? ‘Yung pakiramdam na natutuwa ka sa mga gingawa niya, pero ayaw mong umasa. Gusto mong umiwas, pero kaibigan mo eh. Ipagpapalit mo ba ‘yung friendship niyo sa nararamdaman mo?

Advertisements

One thought on “Kaibigan Ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s