Panalangin

Masakit makitang umiiyak ka ng dahil sa ‘kin

Gusto kong punasan ang luha mo’t ika’y patahanin

Gusto kong sabihin na magiging maayos ang lahat

Umaasang ang mga salita ko’y magiging sapat

Ninais kong magusap tayo

Umaasang malilinaw ang pagmamahalan natin na unti unti nang lumabo

Ngunit walang masambit ang mga labi ko

Naghintay ako, naghintay na sana sabihin mong mananatili ka sa tabi ko

Pamamaalam ang tanging tinuran mo

Ang lahat ay tuluyan mo ng iiwan at isinusuko

Mga luha sa mata ko’y tahimik na pinunas ng palad mo

Tumingin sa mga mata ko’t sinabing maging matatag ako

Gumuho ang mundo ko

Puso ko’y nanlumo

Paano na tayo?

Paano na ang mga pangakong minsa’y binitawan mo?

Gusto kong magmakaawa

Lumuhod at makiusap na kumapit ka

Sabihing lumaban ka kasama ko

Ayokong iwanan mo ko

Ang lahat ay biglang naglaho

Puso ko’y hindi na mabubuo

Ang mga pangarap na ating binuo

Ngayo’y isa na lamang punit na pahina sa ating kwento

Sa langit ako’y mananalangin at makikiusap

Gisingin sana ako mula sa bangungot na masaklap

Aasa na sa muling pagsikat ng araw, ikaw ay muling mayayakap at mahahagkan

Magbabalik ka’t tutuparin ang pangakong pag ibig na walang hanggan

-katkat

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s