TADHANA

naniniwala ka ba sa tadhana?

na balang araw mahahanap mo siya’t magiging masaya?

naiisip mo din bang andiyan lang siya’t hinihintay ka?

nakakatawa di ba?

pero naisip mo rin bang pwede kang paglaruan ng tadhana?

paano kung nahanap mo na nga siya

pero mali ka pala ng inaakala

nakita mo nga siya

pero hindi pala ikaw ang nauna

umaasa kang sana ikaw na lang ang nag iisa sa puso nya

yung perpekto na ang lahat pero bigla ka na lang maluluha

nakangiti ka nga

pero sa puso mo nagtatanong ka

lagi kang nagtataka

napapaisip kung gumagawa ka nga ba ng tama

ang sabi nya mahal ka nya

at sabi mo rin mahal mo siya

pero bakit hindi ka nag iisa?

normal lang bang may kahati ka?

bakit nga ba ganoon?

dumating nga ba siya sa maling pagkakataon?

o nahanap mo siya sa maling panahon?

isang tanong na paulit ulit mong hahanapan ng tugon

pero ano nga bang gagawin mo?

mananatili ka pa rin ba’t pipiliting manalo?

ipaglalaban ang sa tingin mo’y para sa’yo?

o aalis ka na lng at tatanggaping hindi tlaga siya iyo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s