Bakit ‘di ka nagpaalam?

I had this conversation with a random friend on twitter…

—–

Bakit nga ba nagagawa ng ibang taong mang iwan na lang bigla ng wala man lang pasabi o di man lang nagpaalam?
Natatakot ba silang pigilan mo sila, o baka naman nagawa nila ‘yun kasi ‘di ka naman talaga minahal?

O Baka dahil mahal ka talaga…

Sana nga..Mas okay kasing maiwanan na alam mo ‘yung rason kesa ‘yung bigla ka na lang hahayaang mangapa sa dilim. Wala kang mapanghawakang rason kung bakit ka nila nagawang saktan. Para kang batang naiwala sa daan, ‘di mo alam kung saan ka pupunta at kung ano bang dapat mong gawin.

May mga tao kasing hindi kayang sabihin sa taong mahal nila na hindi na nila kaya at ayaw ka nilang makitang nasasaktan at umiiyak…

—–

Tama bang gawin mong rason ang pamamahal mo para iwan ang isang tao? HIndi ba dapat kung mahal mo talaga, lalaban ka at magiging matatag ka?

Madalas kong naririnig na “minsan, kelangang iwan mo ‘yung taong mahal mo para sa ikabubuti niya”.

Sandali lang, ito ‘yung di ko talaga maintindihan eh. Iniwan mo siya, sa tingin mo ikakabuti niya ‘yon?

Ikaw ang lahat sa kaniya. Ang taong nagsisilbing inspirasyon at nagbibigay direksyon sa buhay niya. Ikaw lang ang nakikita niyang ilaw sa gitna ng madilim niyang daan. Sa pag alis mo, ano ang inaasahan mong mangyayari sa kaniya?

Tinanggalan mo siya ng rason. Nawala ang direksyon niya. Ang tanging ilaw na nakikita niya ay tuluyan ng nawala. Ikakabuti ba niya ‘yon?

Para sa akin, ang pag iwan ay isang senyales na naging mahina ka at sumuko ka. Na minsan naging makasarili ka, at pinasya mong iligtas ang sarili mo sa sakit. Na may mga bagay talagang ‘di mo kayang harapin, labanan at panindigan.

Hindi kailanman naging solusyon ang pag iwan. Ang relasyon ay binubuo ng dalawang tao. Kung nakakaranas ka ng sakit at hirap, ‘wag mong isipin na ikaw lng. Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Hindi lang ikaw ang lumalaban. Tumingin ka sa tabi mo. Isipin mong umabot ka dito dahil sa kanya, ngayon ka pa ba susuko at bibitaw?

 

-katkat

Leave a comment